Sinabayan ng Manila Health Department ang pagsasagawa ng H.I.V testing sa mga bumibista sa Sementeryo del Norte sa lungsod ng Maynila kasabay ng paggunita sa Undas.
Kahapon, naglagay ng tent ang City Health Department sa entrada ng Manila North Cemetery kung saan sila nag-aalok ng libreng serbisyo.
Layon ng naturang hakbang na ipakalat ang kamalayan at kaalaman sa publiko kaugnay ng sakit na dulot ng HIV o Human Immunodeficiency Virus.
Batay sa tala ng Manila Health Department, tinatayang nasa 200 ang nagpasuri nuong nakalipas na taon kung saan, apat ang nagpositibo sa HIV.