Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ika-65 Anibersaryo ng Social Security System (SSS).
Dakong alas-10 ng umaga kahapon nang dumating si Pangulong Marcos Jr., sa tanggapan ng SSS sa Quezon City, kung saan pinarangalan din nito ang mga natatanging empleyado ng SSS.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Punong Ehekutibo ang mahalagang papel ng ahensya, hindi lamang sa panahon ng pandemya.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos Jr., ang mga empleyado ng SSS dahil sa serbisyo nito at pinayuhan ang mga ito na ipagpatuloy ang mga hakbang na makakatulong sa mga Pilipino. —sa panulat ni Hannah Oledan