Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang komemorasyon ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ngayong araw na ito.
Sa Rizal Park, ginawaran ng arrival honors ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Pangulo bago ito nag-alay ng bulaklak sa bantayog ng ating Pambansang Bayani.
Present naman sa naturang okasyon sina AFP Chief of Staff Lt. Gen. Eduardo Año, Executive Secretary Salvador Medialdea, DFA Secretary Perfecto Yasay, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
Ito rin ang first public apperance ni dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada matapos ang ilang araw na pananatili sa ospital dahil sa pneumonia.
By Rianne Briones | Aya Yupangco (Patrol 5)