Idineklara ng PNP na generally peaceful ang naging paggunita ng mga pilipino sa semana santa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao na 49 na insidente lamang ang naitala nila mula Marso 23 hanggang Abril 1.
37 rito ay pagkalunod, pitong aksidente sa kalsada, dalawang pagnanakaw at tatlong aksidente sa dagat.
Mas mababa anya ang bilang na ito, kumpara noong nakaraang taon.
“Definitely, pwede ko lang sabihin na generally peaceful ang celebration ang ating holy week bagama’t meron mga insidenteng mga naitala sa amin, mas mababa ito kung ikukumpara natin sa nakalipas na taon.”
May naitala rin ang PNP na engkwentro sa pagitan ng NPA at tropa ng gobyerno.
“Merong mga nangyaring incident kasi e nation kasi na yung anibersaryo ng NPA was last March 29 so during this time kasi, normally ang NPA ay nagla-launch sila ng mga opensiba laban sa ating mga security forces.”
Hindi naman itinigil ng PNP ang kampanya kontra droga noong semana santa, kung saan may mga naitalang napatay na drug suspek.
“Meron paring naitalang mga insidente ng pagkaka-aresto, meron pa ngang insidente na nagkaroon din ng engkwentro sa Nueva Ecija na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa o tatlong involved sa illegal drugs nitong holy week.”