Naging pangkalahatang mapayapa at maayos ang paggunita sa Undas sa bansa, ngayong taon.
Bagaman ngayon ang eksaktong araw ng mga kaluluwa, inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na wala namang naitalang untoward incidents maliban sa pagkaka-diskubre sa improvised explosive device sa isang sementeryo sa Sulu.
Maayos din aniya ang paggunita sa Undas sa ilan pang lalawigan maging sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Lando kahit baha sa mga sementeryo.
“Sa pangkalahatan naman ay naging maayos at tahimik ang paggunita natin ng Undas, ngayon ay naka full alert pa kami hanggang bukas dahil karamihan sa ating mga kababayan ay pabalik pa lang sa kani-kanilang lugar,ang iba siguro papunta pa lang sa Metro Manila, nakaantabay pa rin ang ating mga (PNP) hanggang bukas, paunti-unti na rin po ang tao sa mga sementeryo pero hindi tayo bumaba sa pagtutok dito.” Pahayag ni Mayor.
By Drew Nacino | Ratsada Balita