Walang banta ang anumang bansa sa pag-claim sa Benham Rise.
Ayon ito kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. kasunod na rin ng pahayag ng Ministry of Foreign Affairs ng China na kinikilala ng nasabing bansa ang Sobereign Rights sa Benham Rise.
Sinabi ni Esperon na uubra namang mangisda sa nasabing area ang mga dayuhang mangingisda basta’t may go signal lamang mula sa Pilipinas.
Uubra rin naman aniyang dumaan sa Benham Rise ang mga dayuhang barko base na rin sa kanilang freedom of navigation at innocent passage subalit labas dito ang posibleng pag exploit sa natural resources sa naturang area tulad nang ginawa ng survey ships sa China.
PAKINGGAN: Pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Ipinabatid pa ni esperon na sa dfa puwedeng humingi ng permiso para makapagsagawa ng scientific research sa 200 mile economic zone ng benham rise.
PAKINGGAN: Si National Security Adviser Hermogenes Esperon
By Judith Larino