Pinapurihan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tagumpay ng PNP drug enforcement group gayundin ng iba’t ibang regional offices nito.
Matapos iyan ng sunud-sunod na operasyon ng pulisya kontra iligal na droga sa gitna pa rin ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa, mula Hunyo 15 hanggang Hunyo 20, tinatayant nasa mahigit P22-M halaga ng shabu ang kanilang nasabat habang mahigit 50 naman ang naaresto.
Kabilang na diyan ang mga ikinasang operasyon ng PDEG at local police units sa NCR gayundin sa Negros Occidental, Kalinga at Eastern Samar.
Dahil dito, muling ibinabala ni Gamboa sa mga nasa likod ng kalakalan ng iligal na droga na hindi nila tatantanan ang mga ito upang hindi na masira pa ang kinabukasan ng mga kabataan.