Nakatakda na ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa espesyal na halalan sa ika-7 distrito ng Cavite sa Disyembre 5 at 6.
Magsisimula ito mula 8am – 6pm sa Office of the Provincial Election Supervisor (OPES).
Ang special elections na gaganapin sa February 25, 2023 ay papalit para sa pwestong naiwan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla mula nang maluklok ito sa pagiging kalihim ng Department of Justice
Ayon sa COMELEC, ang tentative list ng mga kandidato ay makikita sa kanilang website at sa website ng OPES simula December 8 upng matukoy ang mga pangalang lalabas sa opisyal na balota.
Hanggang December 9 naman ang pagtatama ng pangalan habang ang substitution para sa mga kandidationg namatay, na-disqualify o nag-withdraw ng kanilang COC ay hanggang December 15 na lamang.
Sinabi naman ng poll body na walang espesyal na halalan na gaganapin kung mayroong isang kandidato na kuwalipikado para sa posisyon. – sa panunulat ni Jenn Patrolla.