Uubra nang maghain ng COC o certificate of candidacy sa ikatlong linggo ng buwang ito ang mga nais tumakbo sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ito ayon sa COMELEC ay kahit wala pang naipapasang batas para sa pagpapaliban ng barangay at SK elections na nakatakdang sanang isagawa sa October 23.
Ipinabatid ng COMELEC na bukas na sila simula sa September 23 para sa mga maghahain ng COC hanggang September 30.
AR / DWIZ 882