Hinimok ng Commission on Elections ang mga nagpaplanong maghain ng Certificates Of Candidacy at nomination and acceptance sa May 2022 polls na iwasang hintayin ang deadline.
Ito, ayon kay COMELEC Commissioner Antonio Kho, ay upang maiwasan ang pagdagsa ng tao at maging superspreader event ang deadline ng filing ng COC sa Biyernes.
Dapat anyang maghain na ng kandidatura nang mas maaga ang mga nais tumakbo sa halalan ngayong araw o bukas.
Pinayuhan ni Kho ang mga aspirant na habang may oras pa at upang maiwasan ang aberya, tulad ng kakulangan sa requirements o maling COC at supporting documents, ay dapat na itong ayusin bago mag-file. —sa panulat ni Drew Nacino