Sinuspinde ng Commission on Elections ang paghahain ng Certifcate of Candidacy (COC) para sa December Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kasunod ng pagpasa ng batas na nagpapaliban sa botohan sa October 2023.
Nabatid na nakatakda sana itong ganapin ngayong araw, October 22 hanggang 29, 2022.
Kabilang din sa mga sinuspinde ang iba pang aktibad at mga ipinagbabawal na gawain sa ilalim ng calendar of activities para sa naturang eleksyon.
Iginiit naman ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na dapat i-adjust ng poll body ang calendar of activities dalawang buwan bago ang itinakdang petsa ng naturang BSKE.
Kasama aniya rito ang period para sa COC filing, election period, campaign at gun ban period at huling araw ng paghahain ng statement of contribution and expenditures.
previous post