Hindi dapat tumigil ang gobyerno ng bansa na maghain ng diplomatikong protesta laban sa China kaugnay sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang naging pahayag ni Atty. Jay Batongbacal ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea (IMLOS) matapos ang ilang ulit na presensya ng Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef ng West Philippine Sea.
Ani ni Batongbacal na ipagpatuloy ang diplomatikong protesta laban sa China at ang pagpapatrolya sa wps upang ipakita ang karapatan ng bansa sa naturang lugar.
Matatandaang umaabot na sa higit dalawaang daan (211) ang inihaing diplomatikong protesta ng pilipinas laban sa China mula ng pasukin ang bahagi ng teritoryo ng bansa.—sa panulat ni Airiam Sancho