Tuloy na bukas, Setyembre 19 ang paghahain ng petisyon ng limang transport groups para itaas ng dalawang piso ang miminum na pasahe sa jeepney.
Ayon kay Orlando Marquez, pangulo ng LTOP o Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, nagsanib puwersa ang limang transport groups para isulong ang sampung pisong minimum na pasahe sa jeepney.
Maliban sa LTOP, kasama rin sa petitioners ang FEJODAP ni Zenaida Maranan, Pasang Masda ni Obet martin, ACTO ni Efren de Luna at ALTO-DAP ni Melencio Vargas.
Iginiit ng transport groups na malaki na ang itinaas ng presyo ng diesel mula nang itakda ang walong pisong minimum na pasahe maliban pa sa mataas na halaga ng mga piyesa.