Inihirit ni Kabayan Partylist Representative Harry Roque sa gobyerno ang paghahain ng protesta laban sa China at Estados Unidos matapos ang pagkakarekober ng Chinese Navy sa isang underwater drone ng US Navy sa West Philippine Sea.
Ayon kay Roque, ang lugar kung saan nakuha ang drone ay 50 nautical miles lamang ang layo mula sa na bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Hinimok din ng kongresista at international lawyer si Pangulong Rodrigo Duterte na agad ikunsidera ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement upang maprotektahan ang territorial integrity ng bansa.
Sa pamamagitan anya nito ay maaaring mag-adopt ng posisyon ng neutrality ang Pilipinas gaya ng Switzerland.
China vs. US
Samantala, tiniyak ng People’s Liberation Army ng China na ibabalik nila sa US Navy ang unmanned underwater vehicle na narekober sa South China Sea.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng ilang US official na nakausap na nila ang kanilang Chinese counterpart upang maibalik ang underwater drone.
Ayon kay Chinese Defense Ministry Spokesman Yang Yujun, nagsasagawa ng imbestigasyon ang kanilang Navy at nagdesisyon na ilipat na ang drone sa US sa maayos na paraan.
Gayunman, inihayag ni US President-elect Donald Trump na hindi na dapat pang ibalik ng Chinese government ang drone na kanilang ninakaw mula sa US Navy.
By Drew Nacino