Pinag-aaralan na ng kampo ni dating Vice President Jejomar Binay ang paghahain ng protesta laban sa pagkapanalo ni Kid Peña bilang kinatawan ng unang distrito ng Makati city.
Una nang hiniling ni Binay sa Board of Canvassers (BOC) na itigil ang proklamasyon ni Penia subalit ibinasura ito ng BOC.
Ayon sa BOC, maaari lamang silang magpasya na isuspindi ang proklamasyon ng isang kandidato kung mayroong kuwestiyon sa kanilang komposisyon o kaya ay may nagawa silang iligal na proseso sa pagbibilang.
Sinabi ng Makati BOC na kung mayroong reklamo si Binay, maaari na nyang idiretso ito sa Commission on Elections.
Dahil dito, natuloy ang proklamasyon kay Penia bilang kinatawan ng unang distrito ng Makati city matapos makuha ng mahigit 71,000 boto kumpara sa mahigit lamang sa 65,000 boto ni Binay.