Ipinauubaya ng Malakaniyang sa Department of Foreign Affairs o DFA kung maghahain ng protesta laban sa China kaugnay sa umano’y pagbabawal ng chinese vessels sa mga pinoy na makapangisda malapit sa PAGASA Island.
Ito’y matapos ihayag ng Kalayaan, Palawan Mayor Roberto Del Mundo ang sinapit ng ilang mangingisdang pinoy sa kamay ng mga Chinese vessel sa naturang isla.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang ulat mula sa Department of National Defense o DND kaugnay sa naturang isyu.
Tiniyak din ni Panelo na kanilang kakatigan ang anumang pahayag ng DND lalo’t kung sabihin nitong nakakaalarma na ang ginagawa ng China.