Paplantsahin na umano ng PDP-Laban ang paghahain ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng substitution sa Commission on Elections.
Ayon kay PDP-Laban President Senator Koko Pimentel, sa ganitong paraan ay maisasapormal na ang kandidatura ni Duterte.
Sinasabing makikipagpulong din si Pimentel kay Duterte hinggil sa naturang usapin sa darating na Lunes.
Sinabi ni Pimentel na papayuhan niya si Duterte na huwag nang hintayin pa ang deadline sa December 10 para hindi ito magahol sa oras.
By Jelbert Perdez