Mahihirapan nang mahanap ang mga survivor sa gumuhong 12 palapag na condominium sa Florida, USA.
Sa nakalipas na 2 linggo, nasa kabuuang 46 na bangkay ng mga biktima ang narekober sa gumuhong Champlain Towers South Condominium building kung saan nasa 94 pa ang tinatayang nawawala.
Sinabi ni Assistant Chief Ray Jadallah ng Miami-Dade Fire Rescue sa pamilya ng mga biktima na wala nang pag-asang mahahanap pa ang mga survivor dahil sa nangyaring pagguho sa naturang gusali.
Magugunitang, ipinag-utos ni Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava ang demolition sa nalalabing bahagi ng gumuhong condominium sa pag-asang mahahanap pa ang labi ng mga nawawalang biktima.