Muling nagkasa ng aerial surveillance ang Philippine Coast Guard (PCG) sa bahagi ng karagatang sakop ng Mamburao sa Occidental Mindoro.
Sa gitna na rin ito ng huling araw ng search and retrieval operations para sa nawawalang 14 na Pilipino na sakay ng Liberty 5.
Ayon sa Coastguard ipu-pull out na ngayong araw na ito ang mga malalaking barko at air assets subalit magmo-monitor pa rin ang search and retrieval teams sa lugar kung saan nagbanggaan ang fishing boat ng mga Pilipino at ang cargo vessel na MV Vienna ng Hong Kong.
Kahapon naghain ng reklamo ang Coastguard laban sa shipping company at master at officers nito matapos ang insidente.