Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa isang binatilyo na nalunod sa Abra river.
Kuwento ng ina ng biktima, nagpaalam ang kanyang anak na si Mark Jemery Torralba na makikipagkita sa kanyang kaklase para sa gagawing school project.
Aniya, nabalitaan na lamang niya na nalunod ito sa ilog noong Sabado ng tanghali.
Nagpunta umano si Torralba sa tabing ilog kasama ang kanyang apat na kaibigan.
Pero, mag-isang lumangoy ang biktima sa Abra river hanggang sa tangayin ng malakas na current ng tubig.
By Meann Tanbio