Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi nila ta-tantanan ang paghahanap sa 14 katao na nawawala sa karagatan matapos na mabangga ng isang barko ng Hong Kong ang kanilan barkong pangisda sa Mindoro.
Ayon kay Commodore Leovigildo Panopio, Commander ng PCG sa Southern Tagalog, hindi sila titigil sa paghahanap hanggang sa makakita ng palatandaan ng buhay o kung anuman ang nangyari sa 12 mangingisda at 2 kataong nakisakay sa barko.
Sinabi ni Panopio na nananatili ang kanilang pagasa na nakarating sa pinakamalapit na isla ang mga mangingisda.
Samantala, nakatakda anya nilang ikutan ang kabuuan ng hongkong based na barko na ngayon ay naka angkla sa batangas bay upang makita ang iba pang palatandaan ng banggaan.
Nauna na anya nilang nakita ang mga palatandaan ng pagbangga sa unahang bahagi ng barko.
Patuloy rin anya ang imbestigasyon sa may 20 kataong crew ng Hong Kong based na barko.