Nanawagan sa gobyerno ang isang ekperto na paghandaan pa ng husto ang mga bagyong papasok sa ating bansa.
Sinabi ito ni Civil Engineer at Wind Dynamics Expert Joshua Agar ng University of the Philippines (UP) matapos ihayag ng PAGASA na papalo pa sa siyam hanggang sampung bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang 2022.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Agar na dapat mas iprayoridad ang disaster preparation at hindi lang ang disaster relief.
Bukod dito, kailangan ding ire-evaluate ang mga istruktura at pagpapaganda sa mga evacuation center.
Sa ngayon, panawagan ni Agar na pag-aralang mabuti ang mga aktibidad na may kinalaman sa kalikasan at pagtuunan ng pansin ang pagsisiyasat para sa pagpapabuti ng disaster response sa bansa. – sa panulat ni Hannah Oledan