Patuloy ang pagpupulong ng COMELEC at DEPED bilang paghahanda sa 2022 national elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, nais nilang bakunado ang mga gurong magsisilbing Board of Election inspectors.
Bahagi aniya ito ng kanilang budget considerations na pinaghahandaan nila para sa hinihinging budget ng komisyon sa kongreso.
Una nang ibinasura ng COMELEC ang panukalang extension ng registration at sa halip ay pinalawig na lamang ang oras nang pagpaparehistro.