Puspusan na ang paghahanda ng Commission on Elections para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre a-bente tres.
Ito’y sa kabila ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nasabing halalan sa pangamba na mahalal muli ang mga barangay official na sangkot sa illegal drugs trade.
Ayon sa COMELEC, naglaan na sila ng 164 million pesos para sa pagbili ng iba’t ibang supplies tulad ng ballpens, plastic security seals, fingerprint takers, indelible ink, ballot secrecy folders, padlocks at bond paper.
Ipinaliwanag naman ng poll body na hangga’t walang ipinapasang batas ang kongreso na magpapaliban sa barangay at SK elections, magpapatuloy ang kanilang preparasyon alinsunod sa batas.
By Drew Nacino