Halos tapos na ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections o COMELEC para sa halalang pambarangay at Sangguniang Kabataan sa Mayo 14.
Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, puspusan na ang kanilang ginagawang preparasyon at kasalukuyang nasa 80 porsyento nang kumpleto.
Dagdag ni Abas, nagsimula na silang mag-imprenta ng balota para sa Mindanao at inaasahang matatapos na ito sa mga susunod na araw.
Una nang sinabi ng COMELEC na magsisimula ang election period sa Abril 14 na tatagal hanggaang Mayo 21 habang maaari namang makapaghain ng certificate of candidacy ang mga kandidato simula Abril 14 hanggang 20.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Abas na maigi ang gagawing pagbabantay ng COMELEC laban sa mga posibleng dayaan lalo’t manual ang isasagawang halalan.
—-