Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Dito Telecom para sa kanilang commercial operations sa susunod na taon.
Ayon kay Undersecretary Eliseo Rio ng Department of Information and Communications Technology (DICT), hindi humingi ng extension ang Dito Telecom sa kabila ng kinakaharap na krisis ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay anya sa commitment ng Dito Telecom nang mapili silang ikatlong telco sa bansa, dapat ay umabot na sa 27Mbps ang kanilang speed pagdating ng July 8 at 37% na ang nakumpleto nilang coverage.
Sa Marso ng susunod na taon naman anya ang commitment ng dito telecom na masimulan ang kanilang commercial operations.
’Yung pagtingin ng NTC ng kanilang commitment –kung na-satisfy nila o hindi, ay sa July 8. Wala pa silang pinapairal na magkakaroon sila ng extension, hihingi ng extension,” ani Rio. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas