Walang patid ang ginagawang paghahanda ng gobyerno para sa nakatakdang pagdinig ng International Tribunal sa Arbitration Case na inihain ng Pilipinas laban sa China sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Matapos tanggapin ang hurisdiksyon sa kaso, itinakda ng Arbitral Court sa huling linggo ng Nobyembre ang pagdinig para sa presentasyon ng Pilipinas sa merito ng reklamo.
Gayunman, hindi masabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte kung ano ang bahagi ng documentary evidence na ipi-prisinta ng Pilipinas para sa reklamong inihain laban sa China.
Partikular na kinukuwestyon kung legal ang reclamation activities ng China sa mga pinag-aagawang lugar sa Spartlys.
Iginiit pa ni Valte na walang mababago sa komposisyon ng mga abogadong kakatawan sa bansa sa pangunguna ni Solicitor General Florin Hilbay.
By Meann Tanbio