Patuloy ang isinasagawang paghahanda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa inagurasyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Hunyo 30, araw ng Huwebes.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na sa katunayan aniya ay naka-activate na ang Task Force Manila shield ngayong araw.
Dagdag ni Malaya, sa ilalim nito magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa paligid ng National Museum.
Maliban dito, pinaiiral na rin ang gun ban at sa mga susunod na araw ay magpapatupad na rin ng mga road closures.
Pakiusap naman ni Malaya sa publiko lalo na sa mga magsasagawa ng kilos protesta laban sa inagurasyon ay maging mahinahon at mapayapa sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin.