Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Lungsod ng Davao para sa inagurasyon ng ika-15 pangalawang pangulo ng bansa na si Vice President-elect Sara Duterte na gaganapin bukas, Hunyo a-19.
Sinumulan na rin kagabi ang pagpatatayo ng stage sa San Pedro Square na sakop ng kanilang hometown sa Davao City.
Ayon kay Davao City Police Spokesperson Major Ma. Teresita Gaspan, naghigpit na rin sila ng seguridad sa paligid at border points ng pagdarausan ng inagurasyon.
Habang iinspeksyunin din ang lahat ng sasakyan at pasaherong daraan sa nasabing lugar kada tatlong oras. Para maitiyak na walang makakalusot na anumang maaaring makapagdulot ng gulo nasabing kaganapan.
Isinara na rin ang ilang kalsada at inabisuhan na ang mga maaapektuhang motorista na dumaan sa itinakdang alternatibong ruta.
Samantala, itinalaga naman ang freedom park bilang lugar para sa mga magsasagawa ng kilos-protesta.
Inaasahang nasa 25k indibidwal ang dadalo sa nasabing inagurasyon pero paalala ng otoridad, iwasan na lamang ang pagdadala ng bata.