Sapat na ang paghahanda ng mga guro para sa halalan sa Mayo 9.
Ito, ayon kay Arlene James Pagaduan, National President ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT), sa panayam ng DWIZ.
Sinabi pa ni Pagaduan na hindi na rin bago sa mga guro ang pagsisilbi tuwing halalan.
Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na tinatayang nasa 640,000 na mga guro ang maglilingkod sa pambansa at lokal na eleksyon.
Samantala, may apela naman si Pagaduan sa susunod na magiging lider ng bansa kaugnay sa nararanasang krisis sa edukasyon, kabilang ang pagtugon sa mga suliranin sa online learning.