Nakakuha rin ng hindi magandang coverage sa foreign media ang paghahanda ng Pilipinas para sa SEA Games.
Mula sa hotel reservations, transportasyon hanggang sa media accreditation ay may pagpuna ang mga dayuhang mamamahayag na nakaranas rin ng kapalpakan.
Kabilang dito ang ulat ng Suara Indonesia Media Outlet kung saan iniulat ang tatlong oras na pag aantay ng kanilang national polo team sa Ninoy Aquino International Airport samantalang pinuna naman sa news site na detic.com ang hindi pa tapos na Rizal Memorial Stadium.
Iniulat naman sa Bangkok Post ang kakulangan ng pagkain at pagsasanay ng Japanese Football Team sa kalsada dahil sa layo ng kanilang hotel sa training pitch.
Kakulangan pa rin ng pagkain ang naging report ng Strait Times ng Singapore samantalang ang limang oras na pagtulog sa sahig sa function room ng hotel naman ang iniulat ng Khmer Post ng Cambodia.