Kasado na ang lahat ng paghahanda ng Philippine National Police o PNP para sa eleksyon sa Mayo 9.
Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, halos patapos na sila sa pagbabantay sa pagbiyahe ng mga vote counting machines o VCM’s na gagamitin sa mga probinsya.
May maliliit na detalye na lamang anya silang inihahanda tulad ng mga dagdag na puwersa kung kinakailangan.
Sa susunod na linggo, inaasahang magdedeklara na ng full alert status ang PNP bilang bahagi ng seguridad para sa eleksyon.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor
COMELEC
Samantala, malapit nang matapos ng Commission on Elections ang deployment ng mahigit 92,000 vote counting machines o VCM’s.
Iniulat ni Commissioner Sherriff Abas, head ng Packing and Shipping Committee, na 90 porsiyento na ng mga makina ang naipadadala sa COMELEC regional hubs.
Habang inaasahang ma-dedeploy na sa NCR ang nalalabing sampung porsyento bago ang April 30.
Mula May 2 hanggang May 6 naman isasailalim ang mga makina sa final testing and sealing o bago ililipat sa polling precincts.
Samantala, noong Lunes, nagsimula na rin ang deployment sa mga balota sa ilang lugar sa bansa.
Itoy sa Batanes, CAR, Quezon Province, Visayas, ARMM maliban sa Lanao del Sur, Caraga, Regions 9, 10, 11, at 12.
Inaasahang matatapos ito sa Mayo 4.
Sakaling maling presinto ang mapuntahan ng mga balota, sinabi ni Abas na may nakahanda silang helicopter para agad na madala ang mga ito sa tamang lugar.
By Len Aguirre | Ratsada Balita