Nasa huling yugto na ang paghahanda ng Presidential Security Group (PSG) para sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior.
Ayon kay Col. Ramon Zagala, Commander ng PSG, tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Ito ay para matiyak na magiging maayos ang SONA sa Lunes, July 25 sa Batasan Pambansa.
Maliban sa seguridad para kay PBBM at ng first family, pinaigting din ng PSG ang pagbabantay sa mga bisitang dadalo.
Sa kalukuyan, walang natatanggap na banta o ang PSG sa SONA ng pangulo.