Naghahanda na si 8-Division World Champion Manny Pacquiao para sa kanyang ikatlong laban kay WBO Welterweight Champion Timothy Bradley, sa Abril 10.
Ayon kay Pacquiao, inaasahan na niyang mas magiging agresibo si Bradley kumpara sa kanilang nakaraang dalawang laban.
Gayunman, kampante si Pacman na kaya niyang sabayan ang anumang bagong fighting style ng American boxer sa tulong ng kanyang bagong trainer na si Teddy Atlas.
Kung mapapanatili anya ng tinaguriang “The Desert Storm” ang agresibong istilo ay asahan na ng mga boxing fan ang maatikabong bakbakan sa abril.
Samantala, tiniyak ng pambansang kamao na malakas pa siya at puspusan ding mag-eensayo upang maharap ang anumang pakakawalang suntok ng kalaban.
By Drew Nacino