Nasa 70% na ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ang kanilang patuloy na preparasyon ay sa gitna ng mga panawagan na ipagpaliban ang nasabing eleksyon.
Giit niya na nirerespeto ng ahensya ang kapangyarihan ng kongreso na i-postpone ang eleksyon at ituloy ito sa ibang panahon pero patuloy pa rin silang maghahanda.
Samantala, sinabi ni Garcia na posibleng makumpleto ang pag-iimprinta ng mga balota at iba pang election related document sa Setyembre.