Tuluy tuloy ang paghahanda ng COMELEC sa October 31 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections
Gayunman sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na naghihintay pa sila ng pahayag mula sa Pangulong Rodrigo Duterte at Kongreso kung gagawin din ngayong taon ang eleksyon ng mga delegado para sa posibleng Con Con o Constitutional Convention
Ito ayon kay Bautista ay bagamat nakikipag usap na sila sa mga opisyal mula sa Kamara at Senado
Tinawagan na aniya sila ng mga lider ng Kamara para itanong ang mga gastusin at ano ang iba pang mangyayari sakaling matuloy ang eleksyon ng delegado para sa Con Con
Ipinabatid ni Bautista na tinututukan nila ay kung magkano ang matitipid ng gobyerno kung pagsasabayin ang dalawang eleksyon gayundin ang logistical issues hinggil dito
By: Judith Larino