Plantsado na ang mga ilalatag na seguridad ng Philippine Army para sa selebrasyon ng ika-100 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani bukas.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, ang army ang naatasan sa pagbibigay ng seguridad sa naturang pribadong event dahil ito aniya ang physical custodian ng Libingan Ng Mga Bayani.
Inaasahang dadaluhan ang naturang Centennial Birthday Celebration ng mga opisyal ng gobyerno, diplomats, kaanak at mga kaibigan.
Samantala, sasabayan naman ng kilos protesta ng ibat ibang militanteng grupo ang ika 100 kaarawan ng dating Pangulo kasabay ng kanilang panawagan ng hustisya para sa mga biktima ng Martial Law.