Kasado na ang mga paghahanda para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, araw ng Lunes.
Sinabi sa DWIZ ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na naisapinal na nila kagabi ang magiging talumpati ng Pangulo na nakapaloob sa 15 pahina at tinatatayang aabot sa 40-50 minutes.
Pero depende pa rin aniya ito sa Pangulo kung mayroon pang magiging pagbabago , at sa mga magiging adlib nito.
Sinabi ni Secretary Andanar na magiging laman ng SONA speech ng Presidente kung ano ang aasahan ng mga Pilipino sa 5 taon pang natitirang termino nito .
Inayos din aniya nila ang teknikal na aspeto ng SONA ng Pangulo para hindi na maulit ang mga inayawan nito sa kanyang unang SONA.
By: Aileen Taliping