Kailangang paigtingin pa ng ibat ibang bansa ang paghahanda nito sa mga kalamidad.
Ito ayon sa IFRC o International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies ay para mabawasan ang mga nasasalanta.
Sinabi ni Elhadj As Sy, Secretary General ng IFRC na predictable naman ang ilang kalamidad tulad ng mga bagyo kayat dapat maihanda ng mas maagad ang pondo para mga posibleng maapektuhan ng mga ito.
Nakikita aniya nilang mas marami ang perang nagagastos sa pag responde sa mga kalamidad at kakaunti lamang ang nabubuhos na pondo para mapigilan ang mga nasabing kalamidad.
By: Judith Larino