Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang clearing operations sa mga kalsada malapit sa Batasang Pambansa, dalawang buwan bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bong Nebrija, head ng MMDA Special Operations Group , ngayon pa lamang ay titiyakin na nilang nakahanda na sila bago ang ikatlong SONA ng Pangulo sa Hulyo.
Dagdag pa ni Nebrija, isa ito sa mga paraan para mabawasan ang trapiko sa Elliptical Road at Commonweath Avenue bunsod ng konstruksyon ng MRT-Line 7.
Bukod sa mga rerouting scheme, nilinis din ng MMDA ang Visayas Avenue kung saan kadalasan nag ‘bi-build up’ ang trapiko.
Samantala, nasampolan naman si dating Pampanga Representative Emigdio Lingad matapos lumabag sa number coding.
—-