Naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa may 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, bahagi ng kanilang mga plano, programa at proyekto ngayong taon ang preliminary preparations para sa 2025 elections.
Sinabi ni Garcia, na magsasagawa ang kanilang ahensya ng special election para sa 7th Congressional District ng Cavite sa Pebrero a-25 para punan ang puwesto sa House of Representatives na binakante ni Justice sec. Jesus Crispin Remulla.
Bukod pa dito, pinaghahandaan din ng Comelec ang budget deliberations at human resource development maging ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin naman sa buwan ng Oktubre.