Tuluyan nang itinigil ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng paghahanda nito para sa 2016 barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon sa COMELEC, kanila nang sinuspinde ang lahat ng mga aktibidad kabilang ang mga public bidding at pagbili ng mga gamit para sa nasabing mga halalan.
Bunsod ito ng pagkakapasa sa huling pagbasa sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ng panukalang nag-uurong sa naturang mga eleksyon sa Oktubre 23 sa susunod na taon sa halip na Oktubre 23 ng taong ito.
Sa ngayon, nakatuon na ang pansin ng COMELEC sa pagdaraos ng barangay at SK elections sa 2017.
By Ralph Obina