Ikinasa na ng Iloilo City gayundin ng Iloilo provincial government ang mga paghahanda sa epekto ng El Niño phenomenon.
Sinabi ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na nakipagpulong na siya sa OCD Region 6 para sa mga hakbangin nila kontra El Niño.
Ayon pa kay Mabilog, nagsimula na rin silang mag-abiso sa mga residente na magtipid sa tubig.
Naghahanda na aniya ang lungsod sa pagkuha ng tubig direkta sa bulkwater supplier na Flowater Resources Iloilo Incorporated sakaling mabawasan ang tubig na isusupply ng Metro Iloilo Water District.
Samantala, sa lalawigan ng Iloilo bumuo na si Governor Arthur Defensor ng task force na tututok sa pagpapatupad ng mga hakbangin para makaagapay sa epekto nang inaasahang tagtuyot.
Ang Iloilo ay isa sa mga top producer ng bigas sa bansa at pinangangambahan ang magiging epekto nito sa rice production ngayong taon.
By Judith Larino