Mayroon pa ring mga problemang nakita ang ilang may kinalaman sa paghahanda sa ika- 30 Southeast Asian Games na gaganapin sa New Clark City at ilan pang venue sa Luzon,
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, gaya na lamang ng hindi pa tapos na bahagi ng paligid ng Stadium tulad ng bakod sa warm-up track.
Hindi pa rin aniya natatanggap ng ilang sports associations ang mga equipment na gagamitin para sa tournament.
Gayunman tiniyak naman umano ng Philippine Olympic Committee (POC) na siyang nakaatas sa pagpapadala ng ibang equipment na kanila itong makukumpleto bago ang naturang aktibidad.
Kasabay nito, sinabi ni Cayetano na kanila ring sinisiguro na magiging maayos ang pagdagsa ng mga tao sa araw ng palaro.
Gaganapin ang SEA Games simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.