Imbitado sa ika-100 araw ng kapanganakan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang maraming pulitiko.
Una nang nagpasabi ang Malacañang na malabo ang pagpunta ng pangulo sa naturang pagdiriwang sa kabila ng imbitasyon ng pamilya Marcos.
Kabilang rin sa pinadalhan ng imbitasyon ay ang mga senador ngunit wala pang pormal na nagpahayag ng kanilang pagdalo maliban kay Senate President Koko Pimentel na nagsabing hindi siya pupunta dito.
Hindi naman umano nabigyan ng imbitasyon si House Speaker Pantaleon Alvarez at sinasabing mas marami pa siyang gagawing importante.
Marami namang administration congressman ang hindi rin makadadalo dahil pagdinig ng Kamara kaugnay sa panukalang 3.8 trillion national budget sa susunod na taon.
Inaasahan naman na dadalo sa naturang okasyon ang ibang mga miyemrbo ng gabinete ni Pangulong Duterte.
Protests
Sasabayan ng kilos protesta ng ilang militanteng grupo ang pagdiriwang sa ika-100 kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na gaganapin sa Libingan ng mga Bayani sa Lunes.
Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, ang naturang pagdiriwang ay kasagaran ng kakapalan ng mukha ng pamilya Marcos.
Aniya, bahagi ito ng pagkilos ng pamilya para mabaliktad ang kasaysayan at muling makabalik sa Malacañang.
Ilalarga ng Bayan Muna kasama ang Akbayan at iba pang grupo ang isang rally para tutulan ang resurgence ng pamilya Marcos at ipanawagan ang hustisya para sa mga biktima ng Martial Law.
Sinabi naman ni Armed Forces Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na nakipag-coordinate na sa kanila ang pamilya Marcos para gawing pribado ang magiging selebrasyon.
Hindi aniya papayagan na makapasok at magsagawa ng kilos protesta sa loob ng Libingan ng mga Bayani.
—-