Sinimulan na ng kamara de representantes ang paghahanda para sa unang State of The Nation Address (SONA) ni President-Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa susunod na buwan.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, nagpulong ngayong araw, ang mga kinatawan ng Kamara, Senado, Presidential Management Staff, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at iba pang ahensya ng gobyerno.
Aniya, dalawang scenario ang kanilang pinaghahandaan, una na ang pagsasagawa ng 100% face-to-face na SONA at hybrid kung saan limitado lamang ang makakapasok sa plenaryo ng kamara sakaling tumaas ang kaso ng COVID-19.
Nabatid na muli naman silang magpupulong sa susunod na linggo matapos ang inagurasyon ni Marcos.
Samantala, kumpiyansa naman si Mendoza na matatapos ang renovation ng Plenary Session Hall bago ang Sona sa Hulyo a-bente 25.