Kuntento si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año sa ginawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan hinggil sa pagtugon nito sa pananalasa ng bagyong Ulysses.
Sa isinagawang disaster response cluster meeting sa Kampo Aguinaldo kaninang umaga, sinabi ni Año na naging maagap naman ang mga local chief executive sa kanilang mga plano subalit sadyang mabilis talaga ang pagtaas ng tubig na ikinaalarma ng lahat.
Pinapurihan pa ni Año si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa magdamag niyang pagmo-monitor at paglilibot sa lungsod bago, habang at matapos na manalasa ang bagyo.
Maliban kay Teodoro, 90% rin ani Año ng mga lokal na opisyal ang present sa pagbabantay sa kanilang nasasakupan upang tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga ito sa panahon ng sakuna.