Dapat dati pa sinampahan ng kasong administratibo ng PNP-Internal Affair Service ang siyam na Jolo police na nasa likod ng pagbaril at pagkakapatay sa apat na sundalo.
Ayon kay dating PNP chief at Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, mandato ng PNP-IAS na mag-file ng kasong administratibo alinsunod sa resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon.
Kasunod nito, ikinatuwa naman ni Senadora Risa Hontiveros na may naiharap ng administrative case laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa apat ng miyemro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Pagdidiin pa ni Hontiveros, isa itong mahalagaang hakbang para sa pagkamit ng hustisya sa pagkamatay ng mga sundalo na tinutupad ang kanilang surveillance sa dalawang babaeng suicide bomber. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)