Tuloy na ang paghaharap nila Saul Canelo Alvarez at ng middleweight champion na si Gennady Golovkin sa parisukat na lona.
Ito ang kinumpirma ni Golden Boy Promotions CEO Oscar dela Hoya matapos magtagpo ang iskedyul ng dalawang boksingero ngayong taon.
Ngunit bago ito, makakarahap muna ni Golovkin si Kell Brook sa Setyembre 10 na gagawin sa London.
Habang makikipagbuno naman si Alvarez kay boxing champ Liam Smith sa AT&T Stadium sa Arlington Texas sa darating na Setyembre 17.
By Jaymark Dagala