Nagkasundo nang magkita ang mga lider ng Estados Unidos at North Korea.
Ayon sa National Security Adviser ng South Korea, inimbitahan ni North Korean Leader Kim Jong-Un si US President Donald Trump para sa isang pulong.
Pumayag naman umano si Trump na makaharap si Kim sa Mayo.
Matatandaan na pumayag si Kim na talakayin ang denuclearization nang makaharap nito ang mga opisyal ng South Korea sa Pyongyang.
—-